Sa pagantay, tayong dalawa

Sabi nila “kapag may tyaga may nilaga”, sabi nila, iba iba ang oras ng isa’t isa, ngunit tila, paputi na ang uwak, palubog na ang buwan,
Naririto, nalilito, pilit na puso, tila naiinip, Natagpuan ang sarili, bahagyang ngumiti,
sa aking sagot na tila walang pawang katotohanan.
Siya, Siya ang aking inspirasyon. Siya na hindi ko maisambit kung nariyan na ba o maaring parating palang,

Siya na alam kong nagiipon ng lakas, Siya na hangga’t sa makakaya, lubusan akong kinikilala, Siya na nagtitiyagang magipon para sa kinabukasan,

Siya na maaring pagod sa takbo ng buhay , patuloy din ang laban, Siya na kung nasaan man ngayon nais ko iparating, ako’y maghihintay kahit ang puso ay nalulumbay,

Sa panahon ngayon, Ikaw ang tanging kasiguraduhan, Sa magulong kasalukuyan, Ako’y patuloy na lalaban kasama ng pananampalataya,
Sa paglikom ng lakas, kay Bathala walang kupas, Tiwala sa Maykapal, ang silbing sandata sa unos ng buhay,

Aking tanging dasal, ika’y ‘wag magsasawa,sa pagbahagi ng iyong kakayanan para sa kalhuwalhatian ng Maykapal,

Sabik ako ibahagi ang kabutihan ng Diyos, sa Kanyang pag gabay mula noon hanggang ngayon,

Buhay na palarong palaisipan, Hugot ng lakas, higop ng pagasa, sa Maykapal ay sapat,

Kasama ka sa araw’t gabi kong panalangin, nawa’y ang pagsuko ay hindi solusyon sa magulong damdamin,

Sa aking pagdarasal, balang araw, sabay natin pasasalamatan ang Maykapal sa mga nalagpasang pinagdaanan… Ako’y patuloy maghihinntay sa oras na inilaan, hindi mapapagod, hindi hahayaang mabigo, sabay natin tatahakin ang agos ng buhay… tayong dalawa, kasama ang Diyos, balang araw…

 

 

#vscocam #nofilter #iphone #followforfollow #sunset #sunday #love #inspiration #life #photography #photoshoot #photograph #poet #poetry #spokenword #filipino