Hanggang sa muli

May “tayo” kahapon, Sa aking pagmulat, “ako” na lang ngayon,  Sa mga araw na nakalipas, Umasang ika’y magbabalik,

Puso hinayaan isara, Nasaktan at binalewala, Akala’y katapusan, Ngunit pagasa ay nariyan,

Maraming katanungan, subalit napagtanto sagot ay hindi daan sa kapayapaan,
Muling binuksan ang pusong namamayapa,Para sa ngalan ng pagibig, Minahal ang sarili,

Hindi inakala na darating ang araw,Sapagkat bawat gabi sigaw ng puso, luha lamang ang katahimikan,
Pusong napagod, muling bumangon, Mula sa pinanggalingan, hindi nalimutan,
Sa pagtanggap, nakapagpatawad. Sa pagpapatawad, alalay ang kapayapaan.

Salamat sa muling pagayon sa aking puso, salamat sa aking pagpulot mula sa kapahamakan, salamat sa pagakay sa mabigat na pinagdaanan…

Hindi Mo ko iniwan, puso Mong tapat ang nagbigay liwanag, sa aking madilim na nakaraan,

masalimuot na nakaraan ay tinapos man, sa aking pagbangon, bagong kwento ang inaasam.

Kung kahapon ay ibabalik, buong pagkatao mo’y aking buong pusong tatanggapin,
kung hindi man pinalad, masaya kong tatahakin ang tadhanang inilaan, Hanggang sa muli

#sunset #poet #art #mountain #hike #sillouette #masasabeach #gulugodbaboy #poem #love #vscocam #photo #picture #tagalog #literary #feature #beach #philippines